“Lost and Found”
Djbiancafrost
Dear DJBianca Frost,
Good evening DJBianca and the rest of your listeners. Ako po si Shiela, from Bulacan.
Ang kwentong ibabahagi ko ay matagal ng nangyari, almost 10 years ago, pero hindi ko or ang aming pamilya nashare sa kahit kanino. Siguro ay dahil talagang di pa naming maintindihan ang lahat ng nangyari at hindi pa namain din matanggap na nawala na ang ate ko na si Ate Shannon.
For whatever happened to ate Shannon, let me tell it to you one by one…
Scene 1: (Bus noise and people coming over)
Shiela: Antagal mo kasi te lumabas sa school mo kaya ayan sobrang dami ng tao nakapila sa bus…
Shannon: Eh may na dissect nga kami kanina tapos grupo ko pa ang nag-report sa teacher namin. Hindi ganun kadali ang Nurse course ko, Shiela.
Shiela; Eh di dapat nagtext ka para hindi ako agad pumunta sayo at naghintay, atleast naman sana ay sumama muna ako sa friends ko kanina.
Shannon; Mamaya na tayo magchika, Dalian mo ng lakad at malapit na tayo sa bus station.
Shiela: Saan ba ang bus na – Araaay!
(someone bumps her and her books fell)
Old woman: agghh…
Shiela: Pasensya napo ale…
Shannon: Eh bakit naman po kasi kayo naglalakad na parang walang nakikitang tao, ale? Tsaka, dun po kayo sa hindi masyadong dinaraanan kung manlilimos po kayo…
Shiela; Okay lang po ba kayo?
Old woman: Bata…magingat ka…
Shiela: Po? Ay kayo po ay mas mag-ingat. Tara ihatid ko kayo dun sa gilid ng terminal…
Old woman: Mag-iingat ka….
Shannon: Anong mag-iingat? Haha! Tayo pa yata ang nabantaan, Shiela. Tara na. Mapupuno na ang bus!
Old woman: …hindi lahat ng makikita nyo ay para sa inyo… Wag nyong basahin or kahit man lang tingnan ang hindi para sa inyo….
Shannon: Tara na Shiela! Andyan na ang RG Liner!
Shiela: Teka! Teka te!
(sounds of bus coming closer)
Kundoktor: BULACAN! BULACAN!
(people getting in included Shannon and Shiela)
Pasahero 1: Paunahin nyo ako at akoy matanda..
Pasahero: Teka, itong misis ko rin….
Kundoktor: Oh Bulacan! Bulacan! Kasya pa! Kasya pa!
Shannon: Dalian mo Shiela, unahan mo yung ale para may maupuan pa tayo!
Shiela: Eto na nga…
Shannon: Sus, ayan naunahan na tayo nung isa pa. Tatayo na naman tayo ng higit isang oras sa bus…
<music>
Narrator: Naiwan nalang naming yung matanda kasi naman nahila na ako ni Ate Shannon. Nang makasakay na kami, triny kong hanapin siya kung saan naming siya naiwan pero wala na ito.
Scene 2:
Kundoktor: Oh wala na? Larga!
Narrator: Tatayo n asana kami pero may late pa palang lalabas sa bus. Isang lalaki na nakasumbrero ang lumabas sa bus at nang Makita naming may isa pang ssulok ng bus na mauupuan dumeretso na kami.
Shiela: Ay te Sha! May upuan pa sa dulo! Sakto..
Shannon: Kakasya tayong dalawa kasi payat naman tayo hehe…Teka, uusod ako ng maayos para makaupo yang isang side ng pwet mo. Teka, mukhang may bagay sa puwet ko.
Narrator: Nakita kong ang bagay na sinasabi ni ate Shannon, nang kunin niya ay isa palang black wallet. Yung wallet na mukhang lasog lasog na. That time, ang bus ay tumatakbo na.
Shiela; Hal ate, wallet! Wallet siguro to nung lalaking lumabas kanina?
Shannon: Ay teka paparahin ko yung bus – pero teka…wala narin naman yung lalaki kanina…Tsaka mukhang lasog lasog narin naman itong wallet. Feeling ko, walang pera yung kaninang lalaki.
Shiela: Patingin nga… Baka naman may importanteng laman yung wallet kaya kahit lasog lasog ay dapat natin isauli.
<music>
Narrator: Kinuha ko nga ang wallet at sinipat ang mukha nito sa labas. It was old black na pang lalaking wallet. Hindi man sa nagjajudge pero kahit kaming mga estudyante or yung tatay ko na hindi mayaman rin ay hindi naman ganito kapangit ang wallet. We were so curious that we ended up opening it, kahit alam naming hindi sa amin.
Shannon: O, wala naman pala tong laman kundi, dalawang bente pesos. Ni ID wala, papano mo masasauli?
Shiela: Hmmmnnn…well, siguro ay hindi na nga natin need.
Shannon; Dahil hindi narin naman natin isasauli tong wallet, ibili nalang natin ng kwek-kwek yung forty pesos pag dating natin sa kanto mamaya. Gutom na ako eh.
Shiela: Sege.
<music>
Scene 3:
Narrator: One year lang ang pagitan naming ni Ate Shannon, DJBianca. I was 1st year college tapos 2nd year naman siya. Iba ang school naming dalawa kasi Nursing ang tinitake niyang course, habang ako education pero lagi kaming nagsasabay pauwi sa Cavite dahil 1 or 2 hrs ang byahe depende sa traffic and worried ang parents namin.
Mama: Oh ginabi na kayo ng uwi masyado?
Shiela: Si ate po kasi ma, sobrang nagtagal daw sa biology class nila.
Shannon: Ma traffic, you know na.
Shiela: Tapos dumaan din kami sa kwek-kwekan pa. Pero mabilis lang naman. Habang naghihintay ng tricycle papunta.
Mama: Wag kayong magkakain sa kung saan. Hindi nyo alam kung papano niluto or hinandya yang pagkain nay an.
Shannon: Sus ma, sanay na ang tiyan naming sa ganyan. Mga mayayaman lang ang may maselan na tiyan.
Mama: Oh siya sege, kumain na kayo. Sa kahihintay sa inyo ng papa nyo, ayun namasada nalang siya.
<music>
Scene 4
Narrator: That night, pagkatapos ng hapunan and half bath ay nasa kwarto na kami. Magkatabi kami natutulog dahil 2 lang ang kwarto sa raw house na bahay ng parents namin. Instead of getting her book, I saw ate Shannon took the wallet again from her bag.
Shiela: Ano pa bang gagawin mo jan sa wallet eh ginastos na natin yung 40 pesos nyan kanina?
Shannon: Wala, curious lang ako. Maybe I’d see something else.
Narrator: Binuklat buklat nga nito ang ilang parte ng wallet. And when she’s about to feel she’d give up, saka naman may isang papel na nakatupi nang nahulog mula sa isang flap ng wallet.
Shiela: Ano yan?
Shannon: Ewan ko. Nakatuping papel na sobrang brown na ang color. Siguro matagal na itong papel na ito sa wallet kaya ganito na.
Shiela: Te itapon mo na nga yang wallet nay an. Tsaka yang kung anong papel nay an.
Shannon: Eh baka may nakasulat na address ng may-ari or something. Tingnan ko nalang.
Narrator: Binuksan ni Ate Shannon ang papel na nakatupi ng triangulo pagkatapos ay may mga letra at salita kaming nakita.
Shannon: Oy...foreigner pa ata mayari nung wallet. Parang Greeks or Latin ang pagkakasulat.
Shiela: Let me see?
Narrator: Nakita kong may mga words na nakasulat nga pero di naming maintidihan. Ang naiintidihan ko lang ay ang may nakalagay na 3x. Ibig sabihin ay basahin ng tatlong beses.
Shiela: Ano ba yan, parang sumasakit ang ulo ko nakakita sa letters. Papano ba mabasa yan eh puro consonants halos. (tries to read it) Mortvm…te savtams…. Ah ewan! Itapon mo na yan te.
Shannon: Teka, teka, latin nga ito. Sakto. Sabi ng kaibigan ko dati na galing sa Spain, kapag ang letter V ay nasa gitna ng consonants, binabasa siya as Letter U. at teka, may nakalagay na 3x. 3 Times…parang nagsasabing basahin ko ng tatlong beses. Basahin ko nga.
Shiela: Ate…
Shannon: (she starts to read the latin words aloud)
MORTVM TE SALVTAMS ESRT DEXTRVMI
CRYTI AVEM MVERSYVS CRISTVS VERVM DE TRVI
VERMI EST REFLEX ARVM DRI TRIPM
Narrator: Hindi ko maintindihan pero habang binabasa ni ate ang salita sa notes ay parang uminit ang room namin at naging parang lumiliit, dumidilim…or perhaps it was just my imagination dahil inaantok na ako at ang electric fan naman talaga sa kwarto naming ay di ganun kalakas dahil old version na. Nagpatuloy si ate Shannon sa pagbabasa, this time I can hear her reading it aloud.
Shannon: (louder)

Shiela: Ate Shannon…enough na matulog na tayo…
Shannon: (3rd read and more louder this time)

Shannon: O…tapos na.
Shiela ; ano bang makukuha mo sa pagbabasa nyan?
Shannon: Wala, but curiousity makes me want to read it.
Shiela: Bahala ka na nga dyan. Matutulog na ako.
Shannon: Ok. Ako magi-study pa, may quiz daw kami bukas sa Chem.
Shiela; Okay.’night te. Buksan ko nga itong kurtina at bintana natin, sobrang init. Pati buga ng hangin sa electric fan mainit.
Shannon: Bahala ka….
<music>
Scene 5:
Narrator: Mahimbing ang tulog ko nang biglang narinig ko nalang na parang umingay sa loob ng kwarto. Then nakita ko si ate na nagsusukang masyado.
Shannon: agghhh! Aghhhh! AGFHHAFDSADFLGSHJDFLGFHASDFAAA^&$*$*%&(#!!!!!!
Shiela: Ate! Ate! Anong nangyari???!
Shannon: HHHAAAREWWF*#%&*#)!!!
Shiela: Dahil ba to sa kinain nating kwekkwek kanina sa daan?! Ate sumagot ka!
Narrator: Pero patuloy sa pagsusuka si ate Shannon. Mga sinusuka niya ay puro kung ano ano, magkahalong pagkain at naninilaw na tubig or laway or sticky stuff and some are in blacks… Pagkatapos ay nakita kong nanlilisik ang kanyang mga mata.
Shiela: Ate??/ (cry now) wag ka namang ganyan! Tatawagin ko si mama! Ma –
Shannon: HUWAG… (rough almost male voice)
Shiela: Anong huwag? Ate?
Narrator: Pero hindi na nagsalita ulit si Ate Shannon, nagpatuloy ito sa pagsuka. Pero kanina nang magsalita siya ay napansin kong iba ang boses niya. Pero inisip ko nalang na dahil yun sa nararamdaman niya. Saka naman bumukas ang pinto at nandun si mama.
Mama: Anong nangyari?! Shannon!
Shiela: Ma…hindi ko alam…bigla nalang akong nagising…
(Shannon still vomiting in the background)
Mama: Yan na nga ba ang sinasabi kong kakakain nyo sa mga street foods! Papano ito, Shannon. Shannon – Shiela, hiludin mo ang likod niya. Tatawagan ko tatay mo at para yung taxi nya ang maghatid sa ospital.
(phone ringing)
Shannon: &*(*###GHRFHASASDF~ Ahhhh!
Shiela: Te…huhu…te, please tell me what is wrong?
Mama: (on the phone) Oskar! Bilisan mo, yung anak mo nagsusuka!
Oskar: Ha?> Anong nangyari?> Eh teka at may sakay akong pasahero!
Mama: Basta bilisan mo!
Narrator: Pero bigla nalang huminto sa pagsusuka ito at nanlulupaypay na napaupo.
Mama: Shannon! Okay ka na?
Shiela: Ate anong pakiramdam mo?
Shannon: (in tired voice) Ma…inaantok na ako…
Oskar: (still on the phone) Tilde! Ano ng nangyari kay Shannon?
Mama: Wala na…huminto na siya sa pagsusuka. Itetext nalang kita maya maya kung pagkatapos ng ilang minute ay susuka pa rin,. Sya magdrive ka muna. Magingat ka.
<music>
Narrator: Inutusan ako ng mama na siyang maglinis sa suka ni ate dahil si ate ay ngayon ay nakahiga ng patalikod sa amin, tulog na at tila parang wala ng nararamdaman. Nang wala na si mama saka ko sinimulang linisin ang suka nito. Pero ang nakikita ko ay nagiiba.
Shiela: ang suka….kanina ay mga pagkain at yellowish ito, bakit ngayon ay naging itim? Itim na itim ang suka!
<music>
Narrator: Halos nagmistulang grasa ang basahan at ang kamay ko. Nakakadiri pero wala akong magawa. I need to clean the room before I fall back to sleep. Tomorrow, I will talk to ate. But then, pagkabukas….
Scene 6
Shannon: (sound of super energetic girl) Goodmorning!
Shiela: (sleepy) A-ate? Gising ka na? At nakauniform ka na?
Shannon: Nakaligo, nakauniform, naka-kape. Nakapagluto pa nga ako ng almusal. Hoy gumising ka na at matatrafffic na naman tayo papunta sa school.
Shiela: ….. A-are you okay?
Shannon: What do you mean if I’m okay? Of course I am. Teka, bakit andumi dumi ng kamay mo, ha? Para kang nag kanal-cleaning.
<music>
Narrator: Did I just dream everything last night, DJBianca? Hindi ba talaga nagsusuka si ate Shannon? Pero nakita ko ang bakas ng dumi sa aking kamay. Mula sa itim at mala grasang nasuka nito kagabi.
Shiela: Ate, nagsusuka ka ng grabe kagabi...andito pa nga si mama tinawagan si papa kasi akala naming itatakbo ka na naming sa ospital…
Shannon: W-what? Hahaha! Andun si mama sa kusina, sabi pa niya ansarap daw ng tulog nya dere-deretso kasi ang aliwalas at presko ang hangin kagabi.
Shiela: This must not be just a dream. Kailangan kong puntahan at kausapin si mama.
Scene 7:
Narrator: Lumabas ako at nakita kong nasa hapag-kainan ang aking papa at mama. I have to asked them or I’d think im going crazy.
Oskar: Morning nak… kain na..
Mama: O, may nalutong hotdog si Shannon…tara na
Shiela: Ma, naalala nyong grabeng nagsusuka si ate kagabi?
Mama: (kumunot noo at naging confuse) Nagsuka? Ang ate mo? Bakit?
Papa: Shannon, may nakain k aba kagabi kaya ka nagsuka? Bakit di mo sinabi sa mama mo?
Mama: Eh sanay sinabihan mo ako agad nak, para nakapaghanda ako ng gamot.
Shiela: Teka.,..teka…teka….Anong pinagsasabi nyo? Hindi mo ma naalala na kagabi ay pumasok ka sa kwarto naming dahil suka ng suka si ate. Sobrang daming suka! At ikaw ‘Pa, tinawagan ka pa ni mama para itakbo sana siya sa ospital?!
Shannon: (laughs) hahaha! Juice ko Shiela, inaantok ka pa or kaya naman ay nasa sleep stage mode kapa rin hanggang ngayon. Walang nagsuka kagabi. Walang mama na pumunta sa kwarto.
Oskar: At wala akong natanggap na tawag sa mama mo about your ate;
Mama: Tama na nga yang chika nyo. Mag-aalas syete y medya na, may balak pa ba kayong pumasok?
Shannon: Ma, mauuna na ako. Shiela, hindi na kita mahihintay dahil ayan nakapajama ka pa. May exam ako sa Chem sa first subject and I don’t want to be late.
Scene 8:
Narrator: I was dumbfounded. Nakakalito pero alam kong hindi pananginip ang experience ko kagabi. Halos inabot ng isang isang oras bago ko completely malinis ang sahig na punong puno ng itim na suka ni ate Shannon. Bakas pa rin sa kuko ko ang maiitim nag rasa pero hindi ko na naipakita kay mama. What had just happened? I feel like I am going to be crazy.
Pumasok ako sa araw na yun na confuse pa rin. Pagkahapon, kung saan pupunta n asana ako sa university ni Ate Shannon para sabay kaming umuwi, nakareceive ako ng text nya na paunahin na raw ako dahil may team meeting daw. It was almost the same time din na nagtext si mama na silang dalawa ni Papa ay uuwi sandal sa Pangasinan dahil ang lupa ng lolo namin ay may problema.
Shannon: (in text message voice) “mauna ka ng umuwi at may meeting pa ako.”
Mama: (in text message voice) “Uuwi kami ng papa mo sa tatang mo sa Pangasinan. Babalik kami agad kapag natapos na naming asikasuhin ang problema. Magingat kayo ng ate mo.”
Shiela: Mukhang kami lang ni ate mamayang gabi…
Scene 9:
Narrator: I went home alone, kumain at natulog ng maaga. Sa kwarto, muli kong tiningnan ang sahig kagabi. Malinis pa rin ito. Kagabi ay pagkatapos matanggal lahat ng itim na suka ay nilagyan niya ng zonrox ang sahig. Pagktapos ay nagpaspray ng Lysol. Humiga ako sa dulo bahagi ng kama. Si Ate Shannon ay gustong lagi siyang nasa dingding. When I was on my bed, hindi ko alam pero parang uminit, dumilim at parang lumiit na naman ang kwarto. But I closed my eyes more. Dahil sa pagod sa nagdaang gabi, nakatulog ako ng mahimbing. And then I woke up when I feel like I can’t breath anymore. Nararamddaman kong may mga kamay na nasa aking leeg….
Shannon: (on her neck and eyes showing anger) haaaaarrr….hhaaaarrrr…..aaagghhh!
Shiela”: (in pain) aaaggg….aaahh --- a-ate? A-te Shannon, bakit mo ako sinasakal at ---
Narrator: Nakita ko nalang ang kapatid ko na nakalutang ang dulo bahagi ng katawan habang ang mga kamay nito ay sumasakal sa akin, ang mga mata nya ay sobrang itim, maging ang mga braso nito ay halos nangingitim narin at ang kanyang mga buhok ay halos nililipad lipad. Hindi na ito ang ate ko!
Shiela: Ate! Ateeee! Huwaaagg!
Shannon: (evil laughin) hahahhaha! HAAAAHHHAHAHA!
Shiela: Attteeeeee! Waaagg!
(someone suddenly slaps her)
<background music>
Shannon: Hoy?! Shiela! Shiela! Gumising ka! Nananaginip ka!
Shiela: (suddenly woke up, breathing heavy) A-ate? Panaginip lang na sinasakal mo ako?
Shannon: Shiela, hindi kita sasakalin. Bakit ko naman gagawin iyon?
Narrator: Hindi ako makapagsalita. Halos habol ko pa rin ang aking hininga. Parang totoo ang naexperience ko kanina. Tumayo ako para kumuha ng tubig sa kusina, nang pagbalik ko nakita ko na naman si ate na nakatulog na ulit malapit sa dingding ng aming kwarto.
Shiela: Siguro kailangan ko ng hinay-hinayan ang paginom ng kape. Kung panaginip lang ang nangyari kanina, siguro ay panaginip din yung nakaraan. Ah…I’m too tired. Gotta go back to sleep.
Scene 10
Narrator: The next morning…
Shiela: Di ka pa ba gigising? 630am na.
Shannon: 11 AM pa ang first subject ko. Group work binigay ng prof naming sa first 2 subjects. Ikaw na mauna sa school.
Shiela: Ah sege.
Narrator: Pero bago ako lumabas ng kwarto, nahagip ng tingin ko ang kamay ni ate bago niya ito ipasok sa loob ng kumot. Nangingitim ang kamay nito!
Shiela: (shaking her head) I am going crazy…wala akong nakita. Everything last night wasn’t real. Papasok na ako sa school.
Scene 11:
Mama: (on the phone) Hindi sumasagot ang ate mo sa cellphone niya, kahapon at ngayon, kaya ikaw nalang tinawagan ko.
Shiela: Tulog pa po yun bago ako umalis ma. Bakit po? Uuwi na ba kayo mamaya ni Papa?
Mama: yan nga ang itinawag ko, yung uncle mo, si Toto, namatay. Kaya kami ng papa mo ay mananatili pa muna rito hanggang mailibing. Siguro mga isang lingo pa. Papadala nalang kami ng tatay mo sa gastos ninyo jan.
Shiela: Hala ka…wala ni si Uncle! EH naku ma, gusto po naming bumisita jan sa Pangasinan pero may mga upcoming exams din kami. Pakisabi nalang po ang aming pakikiramay.
Mama: Maiintindihan na nila yun. Sya sege, tatawag ulit ako.
<music>
Scene 12: Home…
Shiela: Te, ang aga mo naming matulog. Pumasok k aba?
Shannon: Oo. Kauuwi ko lang, pagod ako eh so matutulog na lang ako muuna.
Shiela: Hinahanap ka ni mama kanina. Sinabi nila na magtatagal pa sila sa Pangasinan dahil si Uncle Toto ay wala na. Patay na..
Shannon: Ganun ba?
Shiela: Sabi ko si Uncle Toto, patay na. Diba favourite mo na uncle siya?
Shannon: Lahat naman tayo mamatay....
Narrator: Nanatiling nakatalikod si ate habang sinasagot lahat ng tanong ko. I am confused and concerned at the same time. I even freaked out when I heard my uncle dies, pero kung favourite ko na uncle yun, talagang iiyak at magluluksa ako. But my sister was emotionless.
Shannon: Bukas nga pala at sa susunod na araw ay bago na ang schedule ng class ko kaya hindi na tayo magsasabay. Pwede ka ng magising at pumasok mag-isa…
Shiela: Ah okay. Teka, may naamoy ka ba te? Parang ambaho…parang…
Shannon: Isarado mo nalang yang bintana at baka dun galing ang amoy. Narinig kong nasagasaan yung aso sa katabing bahay pero nakalakad pa rin at dun na namatay sa kulungan.
Shiela: Yung si Browny? Ah, yun siguro yung baho na parang may naa-agnas….
Narrator: So sa mga sumunod na mga araw ay hindi na nga kami nagsasabay ng ate ko. Sumakto pa na pagka9th day, ay may biglaang Immersion project kami sa Rizal Province at magi-stay dun ng 4 na araw. Sa 2nd day ko sa Rizal na hindi kasama si ate, nakatanggap ako ng chat mula sa isa sa mga schoolmate ni ate na nakilala ko rin last time.
Schoolmate: (in text voice) “Saan ba ang ate mo? May sakit ba siya?”
Shiela: Bakit ba to curioius tong classmate ni ate? Replayan ko… “Hindi naman…bakit, di mob a nakita sa school?”
Schoolmate: “Hindi na pumapasok ang ate mo halos dalawang linggo na. Kahapon ay pumunta kami sa bahay nyo pero walang tao.”
Shiela: “Ah kasi nasa Rizal ako, parents naming nasa Pangasinan so si Ate Shannon lang natitira. Diba nagchange kayo ng class schedule?”
Schoolmate: Walang nagchange na class schedule. Shannon was absent for almost 2 weeks.
Shiela: Tatawagan ko siya. I’ll update you. Pauwi na rin naman kami bukas ng hapon.
Schoolmate: Also, may napansin ako sa inyong bahay kahapon…
Shiela: Ano?
Schoolmate: Mabaho. Nakakasukang baho na parang may naaagnas…
Shiela: I think hindi sa bahay naming yun, kundi sa katabi. I heard may namatay na asong nasagasaan.
School: Well, perhaps. Okay. Bye.
<music>
Narrator: Nagtry akong tawagan ang ate ko pero out of coverage ito. Perhaps, lowbat siya. Inisip ko nalang na since bukas ay uuwi ako, dun ko nalang siya kakausapin. But then I was wrong. I didn’t know I was already too late. That night nang papunta na ako sa terminal ng bus at pauwi ay nakita ko ulit ang matandang babaeng nakausap ko last time. Tila inaabangan niya ako.
Old woman: Huli ka na…
Shiela: A-anong ibig nyong sabihin?
Old woman: Tapos na ang labing tatlong araw, nakuha na ng sumpa ang kanyang katawan…
Shiela: Po? Nay, ako ba kinakausap nyo?
(phone ringing – her mom is calling)
Old woman: Hindi ba ay sinabi kong magingat sa lahat ng inyong makikita? Wala na siya…wala na siya.,..
Shiela: Teka sandali, kausapin ko lang ang mama ko. (on phone) Hello ma?
(mom crying on the line)
Mama: Shiela! Ang kapatid mo ay wala na! huhu!
Shiela: P-po? Anong ibig mong sabihin ma? Anong wala na si ate?
Mama: Patay na si ate mo! Umuwi ka agad! Huhu! (off phone)
Shiela: Noooo!!!
<music>
Narrator: Parang sasabog ang dibdib ko sa takot ng nararamdaman. Patay na raw si ate Shannon? Kelan pa? Papano? Anong nangyari? Luminga ako sa likod ko parang tingnan kung andun pa ang matandang babae kanina pero biglang nawala na ito. Umiiyak ako na umuwi sa bahay, pero inisiip kong baka panaginip lang ang lahat – it could not be true; it couldn’t be true that Ate Shannon’s gone. Nakauwi ako ng bahay at dun ko nalaman na 13 days na palang patay si ate Shannon, 13 days simula ng umuwi sa probinsya sila mama at 13 days since na parang nag-iba si ate Shannon. Sinabihan ako na naaamoy na daw ng mga kapitbahay ang kakaibang baho sa bahay especially sa kwarto naming kaya nang sinilip ay may nakitang nakahigang naagnas…
(sound of a dog barking)
Mama: (crying) Saan kaba nagpunta? Bakit hindi moa lam na matagal ng patay ang ate mo?
Shiela: Ma, 3 araw lang ako sa Rizal at nakausap ko pa si --- (dog barks and she sees the Browny dog / remembers something in a flashback)

Shiela: Ang aso…eto ang sinabi ni Ate Shannon na namatay daw pero andito. At nakausap ko siya 4 days pero….SINO BA TALAGA ANG NAKASAMA KO???
Mama: Anak, ano ang ibig mong sabihin na nakausap mo ang ate mo? Kelan pa?
Narrator: Pero imbes na sagutin ang nanay ko ay tumakbo ako palabas ng bahay, sumakay ng tricycle at bus pabalik sa terminal ng pa Manila. Kailangan kong makausap ang matandang babae. Natagpuan ko ang matanda na nagiisa pa rin sa gilid ng terminal. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay alam na nito ang aking sasabihin.
Old woman: Labingtatlong araw ang hinihinging kapalit ng diablo para hiramin ang katawan nya…ngayon ay natapos na kaya nakita mo na siya.
Shiela: (crying) Bakit nangyari ito sa ate ko, nay? Wala naman po kaming ginawang –
Old woman: Hindi ba ay binasa nyo ang isang salita na hindi nyo naiitindihan?
Shiela: Ang papel? Ang papel na may latin na salita!
Old Woman: Binasa mo rin, pero hindi mo tinapos. Ang kapatid mo ang kumumpleto sa sumpa – sumpa ang nasa loob na nakasulat sa papel. Sumpa na dapat ay hindi ninyo binasa…Nakaligtas ka lang dahil hindi mo ipinagpatuloy ang pagbasa…
Narrator: And there I found out kung anong nangyari sa ate ko. Hindi ako makapaniwala. Kaya pala may mga signs na akong nararamdaman pero inaakala ko lang na nababaliw na ako. Hindi ko nasabi sa mga magulang ko ang tunay na nangyari agad agad dahil alam kong hindi nila maiintindihan. Lately ko lang nasabi sa kanila ang katotohan at maging sila ay hindi makapaniwala. Kaya nashare ko rin ang story na to DJBianca for you and your listeners to be aware of what to do.
Magingat sa lahat ng inyong nakikita at wag magbasa ng mga bagay na hindi naiintihan ang kahulugan, dahil baka ang kahahantungan niyon ay ang pagkawala ng inyong buhay. Maraming salamat po sa pakikinig.
Sincerely yours,
Shiela